Ghie Loreto Manalili
Dahil sa patotoo ng mama ko,naging pagnanasa ko na rin na lumapit sa yumaong Apostol Arsenio Ferriol.
Taong 1989 noong ma-convert ang mama ko sa pamamagitan ng House-to-House Evangelism ni Ptr. Susan Bigalbal Condeza sa Cainta, Rizal. Mula noon, lagi na akong sinasama ni Mama sa pagsamba sa Pasig Locale.
Ang Pananampalataya sa mga Sugo ng Dios
Doon ko unang nakita si Apostle Arsenio. At sa pagkakataon ding iyon, lagi nang humihingi ng panalangin si Mama kay Apostol. Ang sabi niya sa akin, “Basta pinag-pray ng Apostol, binibigay ng Dios ang katugunan.” Iyan po ang tumatak sa puso at isip ko. Kaya sa tuwing bago mag-exam sa MCA, nag-aabang ako sa gate kung saan dumadaan si Apostol upang ako ay kaniyang ipanalangin. Doon ko po higit napatunayan na makapangyarihang gumagawa ang Dios sa aming buhay.
Lumaki akong dala ang pananampalatayang itinuro ni Mama. Kahit lumipat kami sa Negros at hindi na ako madalas makalapit sa Apostol, nanatili ang paghanga ko sa kaniya. Ang laging patotoo ng nanay ko ay sa tuwing siya ay ipinapanalangin ni Apostle Arsenio, ang kapangyarihan ng biyaya at pag-ibig ng Dios ay dumadaloy at lubos na nagpapagaling at nagbibigay ng kaginhawaan.
Noong 2015, nagtrabaho ako sa Riyadh. Sa una, maayos ang lahat, pero dumating ang panahon na naging mabigat ang trabaho at mahirap ang kalagayan ko roon. Hindi ako makalabas para sumamba at madalas akong gipitin. Biyaya sapagkat sa bawat hatinggabi na nanonood ako ng Prayer Power, naipapanalangin ako ng mahal na Apostol. Apat na beses akong naipanalangin sa loob ng anim na buwan, at pagkatapos noon, nakauwi akong ligtas at may ipon pa rin. Doon ko lalong napatunayan na may malaking ginagawa ang Dios sa bawat panalangin niya para sa akin.
Taong 2019 naman, halos mawalan na ako ng pag-asa dahil walang tumatanggap sa mga trabahong ina-apply-an ko. Isang araw, sumamba ako sa Marila Locale at naroon ang Apostol. Ang aking simpleng panalangin sa pagkakataong iyon ay kahit mahawakan ko lamang ang laylayan ng kaniyang damit ay tutugunin ako ng Dios.
Pagkatapos ng pagsamba, pababa na sana siya sa elevator nang mapatingin siya sa akin. Tinanong niya ako, “Ne, anong gusto mong ipanalangin ko sa’yo?” Hindi ako agad nakapagsalita. Para akong natigilan sa sobrang saya. Ang hiling ko lang noon ay magkaroon ng magandang trabaho na hindi magiging hadlang sa paglilingkod ko sa Dios.
Hinawakan niya ang aking balikat habang ako ay ipinapanalangin. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko, tinugon ng Dios ang matagal ko nang panalangin. Tatlong araw lang ang lumipas; dalawang kumpanya sa Kuwait ang tumawag sa akin. Nakapagtrabaho ako roon bilang assistant ng isang kilalang doktor na sumusuporta pa sa aking pagsamba. Mula noon, lalo kong nakita ang kabutihan ng Dios sa buhay ko.
Dahil sa buhay ng mahal na Goodman of the House at sa mga mensaheng dala niya, mas lalo kong nakilala ang pag-ibig ng Dios. akong maipagmamalaki, kinahabagan pa rin ako ng Dios at binigyan ng pribilehiyong makapaglingkod sa Kaniya.
Sa pamamagitan ng mga panalangin ng Apostol para sa akin, nakita ko kung paano ginagawa ng Dios ang mga bagay na tila imposible at mahirap abutin. At dahil sa ministeryong ipinagkaloob ng Panginoon sa mahal na yumaong Apostle Arsenio T. Ferriol, hanggang ngayon sa pangunguna ni Apostle Jonathan S. Ferriol, ang aming buong sambahayan ay patuloy na nakapaglilingkod sa Dios.
Taos-puso akong nagpapasalamat sa mahal na yumaong Apostol Arsenio T. Ferriol dahil hindi matatawaran ang mga halimbawa ng sakripisyo, pag-ibig, at pagtatapat na inilaan riya sa paglilingkod sa Dios at sa Iglesia.
Hindi rin matutumbasan ang kaniyang sakripisyo at pagmamahal sa mga kapatid, lalo na sa mga nangangailangan ng panalangin at pagpapalakas. Napakabait mapagpakumbaba niya, ngunit matapang sa pagtatanggol sa gawain ng Dios at sa Iglesia.
Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko pa rin ang kaniyang mga salitang “Sana magkita-kita tayo sa rapture.” Ang mga katagang iyon ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang manatiling tapat sa paglilingkod sa Dios sa kabila ng mga pagsubok sa panahon ngayon. Dahil alam kong may pangako ang Dios sa atin, ang buhay na walang hanggan kasama Niya.
Ang turo niyang “Keep serving the Lord at manatili sa Iglesia” ay sinisikap naming isabuhay bilang isang pamilya. Ito rin ang madalas kong ipinaaalala sa mga kakilala kong nanghihina sa pananampalataya.
Noon, pangarap ko lang mahawakan ang laylayan ng damit niya, pero higit pa roon ang ibinigay ng Dios. Hanggang ngayon, hindi nagbabago ang pagkilala ko na si Apostol Arsenio T. Ferriol ang tunay na sugo ng Dios, at si Apostle Jonathan S. Ferriol ang pinili upang ipagpatuloy ang kaniyang sinimulang gawain hanggang sa rapture.